Featured

A Hundred Peso Adventures with Yvonnavee

Masasabi ko talagang disiplina talaga ang kailangan sa pag hawak ng pera, I am just a typical Ilocana girl na nahihirapan mag tipid kasi diba nga basta ilokano kuripot kaya I am looking forward sa makakatipid ka na, mag eenjoy ka at masaya ka pa, sinu ba naman ang ayaw ng ganoon?

Halos araw-araw akong nakakahawak ng pera, pera na ginagamit sa anumang aspeto ng kalakalan sa mga panahon ngayon, palagi kong nakikita sa wallet ko ang 100 peso bill to be exact na one click lang ubos na agad na parang wala lang na kunting kibot lang ubos na agad at kunti lang kung saan aabot, mapapasabi ka na lang ay yun na yun? kaya napaisip ako, what if I will challenge myself to spend a hudred peso bill in a challenging, wise and enjoyable way.

Sa una nag dadalawang isip ako, kung kaya ko ba, mag eenjoy ba ako o kaya ano ba mapapala ko sa challenge na ito pero why dont give a try, wala naman masama sa pagtatry, what if dito ako magsisimula sa pagiging wais na mamimili, at pwede pa makaimpluwensya sa mga kapwa ko PIlipino o sa mga kolehiyala na tulad ko na mahilig magexplore pero alanganing gumastos ng malaki.

 

INOMagang isang daan (100 pesos alcohol drink)

Marahil maraming nagtataka kung bakit sa dinami dami ng pwedeng isulat o basahin ay bakit tungkol pa sa inumin na nakakalasing, marami sigurong nagsasabi na sana nilaan nalang yung pera sa mas makabuluhan na bagay kaysa sa mga alak. Hindi porket umiinom ng alak ay masama na ang pag uugali ng isang tao, ayon nga sa isang research may mga benefits ng alcohol tulad nalang ng pampahaba ng buhay, reduce diabetes at good for the heart

Pwedeng uminom basta alam ang limitasyon, sinubukan ko yung sinasabi nilang 100 pesos challenge, yung tipong gagasto ka lang ng 100 pesos na mag eenjoy ka.

received_494525461055641

Price list:

The Bar Gin-50 pesos

Tang Juice- 14 pesos

Sprite(3)- 12 pesos each=36

*note: mas budget friendly yung 3 sprite small bottle kaya yun ang ginamit, hindi yung malaki na nasa picture

Minsan tanung ng nakakarami kung anu ang napapala sa kakainum, alam nilang mapait at hindi maganda ang lasa pero tandaan hindi yung alak ang o yung lasing factor ang habol kundi yung memories na hindi mababayaran ng kahit sinu man na dulot ng alak.

 

Make-up sa halagang isang daan

received_213408246116882

Noong unang panahon, sa ating kasaysayan. Hindi pa uso ang bagay na MAKE UP. Nagbibihis sila ng simple at pormal. Pero sa panahon ngayon, kahit sino sa atin. Gumagamit na nito.

‎Ang make up ay isang bagay na karamihang ginagamit ng mga babae. Ginagamit nila ito upang pagandahin ang kanilang mga mukha at nang sa ganon maging malinis ang kanilang personalidad. Minsan, ginagamit rin ito ng mga lalake upang paputihin ang kanilang mukha. .

Dahil uso ang makeup at uso ang hamonan. Hinamon ko ang abilidad ko sa make up, hinamon ko ang sarili ko na sa halang isang daan ay gaganda ako dahil sa isang daang pisong make up

Gumamit ako ng;

Ponds(15 pesos)- ginamit ko ito bilang base sa mukha, bilang foundation

Eyebrow pencil(20 pesos)- pangkilay na on fleek at pwede rin gamitin bilang contour para lumiit ang mukha

Baby powder(15pesos)-pang last base na para hindi masyado oily

Liptint(50 pesos)- panglips at pwede din sa pisngi at eyeshadow

Final outcome

Maraming nagsasabi na pag nakamake-up maarte na, pwes nagkakamali sila, ang make up ay nakakagain ng kompyansa at nakakaglow sa isang babae na pwedeng makatulong sa kanyang pagkatao.

100 pesos Ukay-Ukay

Ang wagwagan o mas kilala sa pangalang ukay ukay ay patok na patok kahit saan kahit kailan, maraming ukay ukay ang nagkalat sa paligid at walang duda na lahat ay abot kaya sa budget, sa murang halaga ay maari ka ng pumorma o makisabay sa uso at kung ikaw naman ay magaling magdala maaring ikaw na mismo ang magpauso ng mga damit. Hindi lang naman mga damit ang mabibili sa ukay ukay, pwede ka rin makamita at makabili ng bags, sapatos at marami pang iba, maari rin dito bumili ng pangregalo sakto ngayong araw ng pasko, siguro kulang ang isang oras sa paghahalungkat sa dami ng pagpipilihan. Sinubukan kung ichallenge ang sarili kung hanggang saan ang galing ko sa pag uukay, nag ukay ako at 100 pesos lang ang dapat kung magasta.

Naglibot libot ako sa mga establishment at pati na rin sa night market at hindi ako nagsisi dahil sa dami at ganda ng napuntahan ng 100 pesos ko

Take a look at the picture below at kayo na bahala humusga, nakaindicate narin ang mga presyo nito.

Presyo:

*Dress-20

*White skirt-10

*stripes top-10

*skirt with slit-10

*upper white with cartoon character-10

*upper white top-10

*denim skirt-30

Aminado ako nakakapagod maghalungkat at maghanap, diskarte at tsayaga ang kailangan kung susubukan mong mag ukay ukay nasa saiyo rin kung paano ka magdala sa mga nabili mo. After all sulit na sulit ang 100 pesos ko at yung pagod ku sa pagukay ukay dahil madami nanaman akong damit

Isang paalala lang, wala masama sa pag ukay ukay at pag suot ng damit galing ukay. Tandaan mo yan, aanhin mo ang mamahaljng damit kung di naman worth it yung price sa mismong damit. Nasa nagdadala lang yan.

1OO Pesos Allowance (How to spend it wisely)

Kung estudyante ka at di naman kayamanan, may kaya lang, ang 100 peso bill ang laging binibigay ng magulang mong panggastos sa buong araw. 100 pesos? diba ang hirap? Kung noon ang 100 pesos mo ay marami nang mabibili pwes ibahin mo sa mga panahong ngayon lalo na ang ating bansa ay nakakaranas ng inflation sa kasalukuyan, Inflation is a general increase in prices and fall in the purchasing value of moneyo ang malawakang pagtaas ng presyo ng bilihin, nung una yung mga pagkain  lang na may asukal ang tumaas ang presyo, ngayon pati mga gulay at karne kaya dapat lang na magtipid at gamitin ang 100 pesos na allowance na binigay sayo ng magulang mo. ang Inflation na rin siguro ang isa sa mga senyales na kilangan mo nang magtipid, hindi lang ikaw kundi ang lahat ng Pilipino.

 

1, Ibudyet ang pera 

Hindi masama ang pagbubudyet, mas nakakabuti nga ito dahil alam mo kung saan napupunta ang pera mo at paniguradong planado ang perang hawak mo at ang araw mo. Kung maari ilista mo yung mga gagastuhin mo para mas wais. doon ka sa mas mura, wag masyadong pasosyal, mas mabuti ng masinop kaysa sa magmukhang tanga sa susunod na araw dahil wala ka ng pera, ito ay isang halimbawa kung paano ibudyet ang iyong pera

  • Pamasahe-20
  • Lunch-35
  • Meryenda-35
  • Alkansya-10
  • Emergency purposes-10

Ang emergency purposes ay yung mga biglaang bayarin sa work o sa school mas mabuti nang may nakatago sa wallet mo na kahit kunting halaga para pagdating ng panahon may madudutdot ka  ng walang hinihinging tulong sa ibang tao o sa magulang mo, magkaiba rin and ilalagay sa alkansya at sa emergency purposes, mas mainam na ang alkansya mo ay nasa isang lagayan na mahirap na buksan para hindi ka matemp na kunin yung laman parehong for future purposes pero ang emergency purposes ay nasa wallet palagi pero gagalawin mo lang kung kinakailangan na o sa mga panahong may babayaran para di na mabawasan ang naibudyet na allowance mo sa araw na iyon. Marahil nagtataka ka kung paano mapagkakasya, so its the right time to read and its the right thing for you to continue read this until the end.

2. Maghanap ng murang kainan

Siguro sa mga studyante ngayon, mas gusto ng fastfood o mga restaurant, bes wag masyadong pasosyal, maari ka ring makakuha ng mga sakit tulad na lamang ng makakapagtaas ng Calories na nagsasanhi ng obesity, maari ka rin magkaroon ng Insulin at type 2 Diabetes at marami pang iba, ito ay ayon sa Food Freedom kaya mas masarap parin ang karinderya, lutong bahay pumunta ka rin sa karinderyang alam mong mapagkakatiwalaan dahil kahit mas mura sa ibang karinderya ng limang piso pero hindi naman ligtas, maari ka pa rin makakuha ng sakit, mas masarap kumain kung alam mong masarap, ligtas, mura at di ka makakagastos ng malaki, Hindi ko sinabing bawal o huwag kumain sa mga fastfood o restaurant pero hanggang maari iwasan o paminsan minsan lang ang pagpunta para na rin makatipid at iwas sakit.

Sa tanghalian, kasya na ang 35 pesos mo para sa isang kanin, isang order ng karne o manok at isang gulay, o san ka pa busog mo pang buong araw, pagdating naman sa meryenda 20 pesos na pansit sa karinderya, marami na yun kung ayaw mo naman ng pansit pwede na ang hi-bol o kaya naman chicken mami, busog ka na nakamura ka pa. Sa hapong meryenda naman pagkalabas mo ng school o work, may nakapila ng streetfoods, sarap nun bes fishball, kwekkwek, isaw at marami pang iba, sa halagang 15 pesos busog ka na pero huwag mong araw arawin maari ka rin magkarron ng sakit diyan Puwedeng magdulot ng hypertension [ang street food] dahil sa fats, puwede ring cardiovascular diseases kaya wag araw arawin. kung kaya namang iabot ang gutom sa bahay, why not? makakatipid ka na matitikman mo pa luto ng nanay mo. Ramdam mo yung sarap at saya bago matapos ang araw sa pamamagitan ng luto  ng nanay.

3. Magbaon ng tubig

Water is life bes, imbes na bumili ka ng tubig o softdrinks, magbaon ka na lang ng tubig, may baonan naman siguro kayo ng tubig sa bahay niyo, aminado rin ako na nakakatamad magbitbit ng tumbler pero aminin mo bes makakatipid ka na mas healthy pa, iwas sa sakit tulad na lamang ng kidney stone, makakatulong rin sayo na magisip ng maayos. Ayon sa pag aaral magkakaroon ka ng energy levels and brain function, maari ring gawing diet ang tubig dahil nakakatulong ito sa pagbawas ng timbang at higit sa lahat ang paginum ng tubig ay gagawin kang active physically and mentally. Eco friendly ka na, healthy ka na, nakatipid ka pa.

4. Make walking as a habit

Lahat tayo aminado na ang tamad mag lakad dahil sasabihin mo mayroon namang sasakyan tsaka mura naman pamasahe bes. pero kung tutuusin kung walking distance naman ang bahay mo sa work or sa school mo wag na magtricycle. Isipin mo ang paglalakad may maidudulot sayo maliban sa makakaipon ka pa mag iimprove din ang kalusugan. mag iimprove and hearth health, regular blood pressure, fights cancer at marami pang iba ayon ito sa pag aaraal ng Certified Specialist in Fitness kaya proven na effective. pwede ka ring magbisikleta na lang kung mayroon naman, makakatulong ka pa sa bansa. Ito ay eco friendly kung baga iwas pollution at usok at makakatulong din sa healthy lifestyle mo ang pagbibisekleta araw araw. Hindi ka lang nakatipid nakatulong pa sa kalusugan mo at sa bansa. Iwas pollution at iwas traffic, iwas traffic iwas sakit sa ulo. Imbes na pamasahe mo, ilagay na lang sa alkansya o sa emergency purposes yung pera.

5. Ugaliin ang pag-iipon

Mag iipon pa? kulang na nga yung allowance ko? bes kalma lang kung marunong ka o wais kang maghawak ng pera kasyang kasya ang 100 pesos mo, sobra pa nga kung tutuusin, 1o pesos a day na ilalagay mo sa alkansya mo marami ng pupuntahan yun o malaki ng maitututlong sa future. Kung naglalagay ka ng 10 pesos kada araw matatapos ang linggo na mayroon kang 50-70 pesos kung tuloy tuloy na ganoon. Mas masarap pa rin mag ipon para pagdating ng panahon makakatulong ka pa o mabibili mo gusto mo at ng pamilya mo. Sabi nga nila suffer now happiness later, di mo man mabili gusto mo ngayon pero balang araw masasabi mo rin na “hayyysss salamat nabili ko na rin gusto ko dahil nag ipon ako” Best thing din sa pagiipon ay tinuturuan mo  ang iyong sarili mo ng self discipline. kaya bes wag na masyadong mareklamo ngayon dahil balang araw matitikman mo din lahat ng pinaghirapan mong ipunin. oo mahirap mag ipon kung sa tingin mo ang 100 pesos ay kulang pa para sayo kaya its the right time to make a change. Kaya mong pagkasyahin ang 100 pesos at good thing makakatipid ka pa, wais lang na paggamit o paghawak ng pera ang solusyon.