A Hundred Peso Adventures with Yvonnavee

Masasabi ko talagang disiplina talaga ang kailangan sa pag hawak ng pera, I am just a typical Ilocana girl na nahihirapan mag tipid kasi diba nga basta ilokano kuripot kaya I am looking forward sa makakatipid ka na, mag eenjoy ka at masaya ka pa, sinu ba naman ang ayaw ng ganoon?

Halos araw-araw akong nakakahawak ng pera, pera na ginagamit sa anumang aspeto ng kalakalan sa mga panahon ngayon, palagi kong nakikita sa wallet ko ang 100 peso bill to be exact na one click lang ubos na agad na parang wala lang na kunting kibot lang ubos na agad at kunti lang kung saan aabot, mapapasabi ka na lang ay yun na yun? kaya napaisip ako, what if I will challenge myself to spend a hudred peso bill in a challenging, wise and enjoyable way.

Sa una nag dadalawang isip ako, kung kaya ko ba, mag eenjoy ba ako o kaya ano ba mapapala ko sa challenge na ito pero why dont give a try, wala naman masama sa pagtatry, what if dito ako magsisimula sa pagiging wais na mamimili, at pwede pa makaimpluwensya sa mga kapwa ko PIlipino o sa mga kolehiyala na tulad ko na mahilig magexplore pero alanganing gumastos ng malaki.

 

Leave a comment